MALAYANG TULIGSAAN in Philippine Setting

These are exasperated issue so please try to read… if it is really effective and can hurt to those affected …well it is up to all readers to react.

Mula pagkabata ko pa, Channel 2 na ang laging napapanuuran ko.  Ganito sa aming probinsya sa Oriental Mindoro, walang ibang makuhang ibang channel only Channel 2.  Lumipas pa ang maraming panahon, still this Channel is the accessible signal that we have.  Until I finished high school kaya nga subaybay ko ang mga teenagers noon na sina Manilyn Reynes, Ogie Alcaside, Janno Gibbs, Ruffa Guttierrez, Sherryl Cruz.  They were the cover of my notebooks when I was in high school.

In my college days naman hayan na mag Manila girl na ako pero hindi pa din naman lubusang lungsod ang Las Piñas sabi nila noon.  May ibang Channel na ang pwedeng panooran, Channel 5 ni Dr. Love na si Joe D’ Mango, wow grabe ang DJ na ito sobrang inspiring talaga ang mga mensaheng ibinibigay sa mga letter senders.  I like him in short.  Gustong gusto kong panoorin ang Dr. Love noon, maraming mga love stories na talaga namang hurtful, broken hearts plus the expectations of good advice from the DJ.

Gradually, I could see myself to explore in different channel because I was in Manila.  I could watch movie too, of course the first movie of Carmina Villaroel and Rustom Padilla grabeng kilig ang love team ng dalawa.  Sina Mikee Cojuangco and Aga Muhlach as in the ideal pattern of love teams during those times that they were hit in the showbiz industry.

When I worked abroad…it is the existence of TFC, The Filipino Channel so we had the chance to see Filipino actresses and actors.  There was no homesick at all.  After the contract, I went back home to Philippines and again I stayed in the province.  In our home, still Channel 2 pa din ang pinapanoodan  ng mga kasama ko.  Grabe kung mabibigyan lamang ba ng award ang mga Mindoreño, dapat kasama na kami pero sa City marami ng Channel na pwedeng mapanooran, palipat lipat nga lamang sila hawak ang remote control noong TV nila.  Kami naman nanatiling Channel 2.

Marami akong naging experiences sa pag aapply ng trabaho after OFW time ko.  In fact, I went there in ABS CBN compound kasi may isang malaking company dyan na hiring as Call Center Agent, mga BPO na ang usong trabaho sa Manila pagkatapos kong mag work abroad.  Syempre langit na kapag nasilayan ko ang ABS CBN kahit compound lamang iyon kasi nga mula pagkabata ko ang tanging alam ko yatang Channel is only 2.

Ang ganda ng ABS CBN.  Sabi ko noon natuntungan ko na din ang compound nila.  Pero hindi naman ako pinalad makapasa para maging Call Center Agent.  Masaya na din sa experienced na iyon.

Dumating na din ang point sa buhay ko na kailangan kong mag decide na nga.  Sa totoo lang, malaking tulong ang pagkapanalo ni President Noy Aquino kahit matindi din ang balik na batikos ko sa kanya kasi dahil sa kanya, nag decide akong mag for good na sa Pilipinas.  Hayun nagsimula na akong maghabi ng mga pangarap sa aking kinalakhan at kinamulatan.  Gumawa ako ng tunay na mission ko to establish everything.  Ganoon talaga ang buhay kailangang makita ko ang saysay ko sa mundong ito.  I really have to make my mission why I am continuously living in this world.  What is my worth why God allows me to exist here, what is really the mission that I have to cultivate.  Yeah it is the humility that really wanted me to acquire.  It is the simple living.  Mahilig kasi akong pumorma.  I am fond of wearing clothes that finds me little feeling model he he he.  Well He really wanted me to live in simplicity so I embrace it.  Totoong niyakap ko ang katotohanang iyon.

Ito na ang pinakamasayang katotohanan.  Nagkaroon ng Cable sa amin, may G-Sat, Cignal at ang huli ay Sky Cable.  Wow finally may ibang Channel na at hindi na lamang puro DOS he he he!

Ito na ang sinasabing malayang batikusan.  Makinig at humanda sa mababasa ha.  Masasabing mabilis na din ang pag unlad ng science and technology talaga nga lamang pagdating sa mga provinces e sobrang hindi kaagad iyon adaptable instantly.  Masaya na ako dahil sa Cable.  I can watch anything na din.  Kung naumay nang husto dahil sa iisang Channel 2 noon wow ngayon, isang pindot lang may CNN Philippines na.  May GMA News at iba pa ang totoong GMA ha.  Of course this is the real change in the life of everyone here in the province of Oriental Mindoro.  Hindi na lamang kami pang Channel 2, I can use remote control to transfer Channel 7.  Wow at nasa Kapuso na din.  Thankful dahil ang sabi nila number one ang Kapuso at sa isang banda tama naman dahil totoong maganda ang mga palabas nila, hakot award si Jessica Soho at maganda nga ang mga teleserye nila.  Iyong Kambal Karibal at lalo na ang Wowooowin ni Willy.  Nahirapan kaming hanapin nang nawala na iyon sa Channel 2 kasi wala namang ibang mapanooran na.  Maganda din ang komedya sa Kapuso, iyong kina Michael V at Manilyn Reynes.  Sobrang napapahagalpak nila ang pagtawa ko.  Ang Magpakailanman na matagal na palang namamayagpag kasi ang alam ko lamang MMK, I was Grade 4 then when it has been started.  Si Mel pa na dating Channel 2 kasabay ni Noli de Castro sa pagbabalita noon na ngayon ay host ng Magpakailanman akalain mo nga naman ang kapalaran ng isang tao.  Matinding kompetensiya na pala ang dalawang iyan ni Charo Santos.  Ang tanong sino nga ang tunay na number one.  Maaaring ang Probinsiyano ni Coco Martin ang show na hindi kayang pantayan dahil sa mataas na rating but the overall rating e sino nga ba…walang pikunan ha ha ha

Mas lalong pangamba ang dala ko kapag nabasa pa itong next issue.  Wala na tayong magagawa dahil sa magandang Korean Nobela para sa mga teenagers ngayon at kapag binatikos ang mga Korean Idols nila, walang panama ang balik batikos ng kabataan para dyan.

“Ano daw ang pambansang KATOL sa Pilipinas…”

“E ano daw?”

“ABS CBN LOGO dahil mukhang katol ha ha ha!”

O sige patuloy lamang ang batikos dahil sa matinding balik na igagawad nila.  Saan ka sa Kapuso o Kapamilya…tsaran…

Sagot ko sa ABC 5 na lamang ako ha ha ha!  Sabay ganyon he he he!

Magpagandahan na lamang ng logo kamo so of course sa GMA kapuso ako dahil always may HEART he he he!

Kung gusto naman na mawala ang Denque Fever sa bansa, mag ABS CBN na para tanggal lamok ha ha ha!

Ang MAPIKON talo kaya it is always the head…why in the HUMAN ANATOMY it is say that HEAD is superior than HEART, it is the weighing scale in decision making.

Salamat sa nagbigay ng panahon na basahin ang kalokohang ito.  If these are exasperated well…ito po ay isang hamon sa mga local network natin ngayon na mas gawing epektibo ang inyong palabas upang maging kaiga igaya para sa mga manunood na katulad naming hindi maiwasang magkumpara sabay PUNA he he he!

Well it is how to improve your SHOW…ano bang unusual ingredient mayroon ang isang Jessica Soho compare to Korina Sanchez…the best answer is the INTEGRITY…bakit humahakot ng multi-award ang show niya than Koring ha ha ha!

Panahon na para tuligsain he he he!

Sa Showtime ni Vice Ganda, naku takot nilang batikusin ang baklang ire….tanda ninyo ang isang member ng Hashtag na namatay at may isang basher doon na ipinahap talaga nitong si Vice pero tuluyang namatay na din ang issue.  Ako kaya ipahanap din ni Vice Ganda…kapag binatikos ko din  sina Zeus and Alonte…sasabihin ko ganito…kaya naman kasi madalas ang exposure ng dalawang iyan ay dahil kapit-tuko kay Vice.  Alam mo naman gamitan lamang para sa kasikatan….sige nga Vice…ipapahanap mo kaya ako he he he!  Malamang hindi kasi alam niya na pinapanood ko ang Showtime at ang evidence is how would I know that these two actors are regular in Showtime ha ha ha!  Masasabi ko ba ang katotohanang ito kung hindi ako fun ng show nila he he he!  I hate you Vice bakit kamo….ang lakas mong mamula e double GANDA naman ni Anne Curtis sa iyo ano?  He he he!  Sige Vice mag hide and seek tayo ikaw ang taya…hanap hanap dalawa kayo ni Jackie.

Kung ang pambansang HAYOP ngayon ng Pilipinas ay KABAYO mayroon na ding pamabansang KATOL…

I imagine, Vice slapped my face….

“Huwag po, huwag po…hindi na po uulit…he he he!”

Welcome to my coloROOM, coloROAM….isang magandang araw ang sumasa inyo….

07/16/2018j

 

flowers

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.