ANG MGA YAPAK

It comes to the point of time that I squeeze to think what necessary topics to discuss, what other issues that can awake a person to take time reading my blogs…what are those interesting topics for them that can able to tackle now…

yapak-clipart-2-e1537698971883.jpg

Anumang suot na gamit upang magkaroon ng bakas ang bawat yapak mapa tsinelas o sapatos man ito, napakadali namang mabanaag niyon.  Upang matunton ang mga hinahanap ay sa pamamagitan ng pagsunsun sa mga yapak at ito ay ang bakas ng mga hakbang na ginawa ng tao.  Nanaisin mo bang magkaroon ng sarili mong yapak o susunod ka sa bawat yapak na mayroon na upang magsilbing inspirasyon sa buhay?

Ang bawat tao ay may sariling pagkilanlan…may kanya kanyang kakaibang personalidad…magkakaiba kahit sa paniniwala at mithiin sa buhay.  Natutunan kong saliksikin kung anong kakayanan ng iba na may limitasyon naman sa sariling kakayanan ko kaya ang bawat yapak na mayroon ako ay walang ibang pinagbasehan.  Maaaring nagkaroon ako ng inspirasyon noon subalit naudlot ang lahat ng iyon dahil sa maraming kadahilanan.

Minsan sa paggising sa umaga at nagawang lumabas kaagad sa loob ng bahay, kapansin pansin ang hamog sa mga damong kaygandang pagmasdan na tila ba iyon ay may preskong pakiramdam kaya tayong mga tao ay ganong ganon din sa mga damo sa umaga.  Gusto nating magkaroon ng preskong kaayusan sa ating mga sarili.  Gusto nating makalanghap ng sariwang hangin.  Gusto nating damhin ang malamig na simoy pang umaga lalo pa’t nagbabadya na ang Paskong muling papalapit na naman.  Kaysigla ng sikat ng araw na tila ba naaaliw ang mga ngiting iginagawad sa bawat tao.  Nakapagbibigay ng panibagong pag asa upang muling magpatuloy sa buhay na tatahakin pa gaano man iyon kahirap at kasalimuot.  Nagiging tanglaw natin ang maliwanag at magaang na kaayusan ng araw.  Tayo ay hinubog upang manatiling naniniwala na laging may magandang kapalaran na naghihintay.  May positibong pananaw na taglay ang bawat isa upang hindi tayo matalo ng kaduwagang humarap sa mga pagsubok.  Nagagawa nating magpatawa upang maibsan ang sama ng loob sa muling pagharap sa panibagong hamon ng buhay.

Sa bawat yapak ng kahapon na nagbigay ng isang magandang halimbawa na ang buhay ay hindi tumitigil, patuloy na humahabi ng mga pangarap upang makamit ang kagustuhang magtagumpay.  Tayo ay hinulma upang maging malakas at handa sa mga pagsubok na darating pa lamang sa hinaharap.  Inihahanda tayo sa isang napakalaking bagyo ng buhay upang mas mapalapit sa ating Lumikha…na mas naising maging kalugod lugod sa Kanya nang sa tamang panahon ay maging karapat dapat na humarap at patuloy na naniniwalang may magandang hantungan ang bawat pagsisikap na magpakabuti sa mundong ating ginagalawan.  Walang kasiguraduhan sa mundong ito, maaring sa iyo ngayon ang tagumpay pero sa ibang panahon naman pwedeng magbago ang lahat…pwedeng magbago ang gulong ng kapalaran.  Kung nasa itaas ka man ngayon, maaaring sa sunod na panahon nasa ibaba naman dahil sa mga maling pagpili ng tamang desisyon, kung paano gamitin ang timbangan sa paninimbang na gagawin upang mas lalong maipakita kung alin ang tamang daan na tatahakin.  Tingnan ang bawat yapak na gagawin ng ating mga paa dahil hindi laging may magandang daraanan.  Minsan may kumunoy palang hihila paibaba upang tuluyang malugmok sa kawalan.  Paano ba maiaahon ang katawan kapag nasadlak na sa putikan.  Anong klaseng yapak ba ang dapat gawin upang muling magbago ang bawat bakas na halos kagagawan ng mga paang nagkakamali sa panibagong paghakbang upang mag iwan ng yapak na magiging bakas na lamang.

Kung sanay laging may magandang panahon upang walang putik na mantatalamsik sa bawat damit na ating kasuotan…kung sanay walang madaanang putikan upang hindi madungisan…kung pwede bang pagkatapos ng ulan ay kaagad matutuyo ang dinaraanan.  Gusto ko ganoon din ako sa aking buhay…gusto ko hanggat kaya ko mananatili akong lumalakad sa malinis na pamumuhay…kung sa bawat pagkadapa ay kaagad babangon at papahidan ang galos na natamo sanhi ng pagkadapa at pagsadsad ng tuhod sa matalas na batuhan.  Kung ang bawat dugong umagos ay makakatulong upang humilom ang ibang sugat na nasa ibang bahagi ng katawan.  Hay napakaraming sana…

Napakahirap bumuo ng magandang pagkatao, at magkaroon ng malinis na pangalan.  Laging may nagbabadyang unos na hindi lingid sa ating kaalaman na pwede nating ikapahamak ito.  Lumilikha ng mga yabag dahil sa yapak at nagiging bakas na may katuturan dahil ito ang nagbibigay ng tamang tahakin upang patuloy sa paglalakbay.

Ang bawat paghakbang na nagiging yapak ng mga paa at nag iiwan ng bakas na pinagdaraanan…at ganon din ang buhay.  Ang bawat yugto mula sa ating kamusmusan hanggang sa kung ano tayo ngayon ay ang bakas ng kahapon gaano man iyon kasaya o kapighating nakaraan na ang tanging dapat gawin na lamang ay alalahanin ang mga nagdaan.  Nasadlak man sa pagdurusa ay hindi laging ganoon ang buhay, kung may matinding unos asahang may magandang sikat pa din ng araw kinabukasan.  Ang bawat kulog at kidlat na nagbibigay nang matinding takot upang manatiling nasa loob ng bahay sabay takip ng dalawang tainga sa pagkainis na marinig ang malakas na dagundungan na iyon.  Parang ang tao takot ding sumubok ng bagong kapalaran.  Mas nanaisin pang manatiling nakatago dahil sa takot na humarap sa panibagong hamon..  Mas gugustuhin pang kumubli at manatiling nakatitig na lamang sa karimlan na wala namang ibang inaasahan…naghihintay sa muling pagsikat ng araw at sa paglubog nito.

Sa buhay kailangan din tayong madapa upang malaman natin kung paano bumangon.  Paano magiging matatag kung hindi naman naranasang sagasain ang mga suliraning kinakaharap, hindi naman iyon babalewalain dahil kailangang alamin kung paano magkakaroon ng solusyon.  Dapat matutong sumubok para lingid sa kaalaman kung paano magkompara sa mga bagay na magsisilbing daan upang makamtan ang tagumpay.

Sa huli, isang tsinelas man o sapatos ang ginamit upang maglakbay sa kung saan man mapadpad, ang pinakamahalaga ay kung paano tinugunan ang ginawang yapak sa landas ng mga tahakin sa buhay.  Sa ganang akin, mas gamay kong suotin ang tsinelas lalo na kung simpleng lugar ang pupuntahan.

Ipinagmamalaki kong bahagi ako ng Sining.  Dama kong malapit sa puso ko ang wikang Filipino kahit sa kabila ng lahat, Ingles ang mga akdang nagagawa ko pero kung kinakailangang gumawa din ako ng katulad ng ganito, hindi ako mangingiming magnilay upang makabuo ng isang magandang katha na tunay na makapagbibigay din ng inspirasyon para sa iba.

*****

This works is quite interesting for being written in Tagalog.   I want to observe how Filipinos would react for the things like these.  How they are going to find results my observation if those words are the dialect that being used in the Philippines.  Maybe the abhorrence to feel by millennial the way I used pure Tagalog and our generation has an edge to be with our heroes for the deepen choice of words to describe about views in life.

🙂 🙂 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.