Ang Mga Talakayan

This is the conversation about Kazouko Restaurant

Customer:      Mam what can you say about the new restaurant nearby?

Chinese Ginang:   Hindi naman masarap ang mga pagkain, KAZOUKOng maghintay.

Customer:       Ah ganoon po ba…

Myrna:        Oo nga hindi naman masarap, napakaraming bagong restaurant mabuti pa ang Nanay Goya.

rice_steamed.jpg

SETTING:  In the Store

Customer1:  Mag aasawa ka pa ba Fhelina?

Fhelina:  Naku malamang hindi na…

Customer1:  Bakit naman?

Fhelina:  E kamahal na ng bigas may K12 pa, kaylan pa makakatapos ang mga bata at      mahirap namang magpalaki dahil sa pamahal ng pamahal ang bilihin.  Ewan baga sa Duterte na iyan kung anong pinaggagawa sa Pilipinas.

Customer2:  Ang tanga tanga kasi sa bumoto sa Duterte na iyan, sasabihing walang Dios.

Customer1:  Binoto ko po si Duterte Nanay.  Nawala na po ang droga dito sa ating barangay.  Kung totoong mayroon nga, inaalam pa ng ating Kapitan kung saan nangagaling na naman.

Fhelina:  Maniwala ka naman sa Kapitan na iyan, kasangkot din iyan sa bentahan ng mga kahoy      dahil sa sabwatan…

Berlito:  Pabili nga ng bigas.  Iyong maputi, ihahalo ko lang sa kala kong nabili sa bayan.

Tindera:  Naku Kuya magkaka bentahan ng NFA sa mga barangay twenty seven na lang ang kilo.  Totoo nga kaya iyon?

Berlito:  Hintayin na lang natin sa Nobyembre ang pagbaba ng bigas sabi sa balita kagabi.

Tindera:  Anong hirap nga pong mag budget, anong dami ko pang bayarin para sa sunod  na  taon.  Pinag iipunan ko na nga.

Berlito:  Naku ikaw naman kung makadaing.  Mawawalan ang Pari ikaw hindi….

Tindera:  Ganoon.

Berlito:  Tayo naman ang bumubuhay sa mga paring iyan, kung walang limos wala din sila.

messenger

IN THE FACEBOOK CONVERSATION @ Messenger

Consumer:  Brownout na naman, grabe anong init kagabi sa tagal na oras na iyon.

ORMECO:  Naku pasensiya na po, may mga repair kasing inaayos kaya po kailangan mag Brownout.

Consumer:  E bakit kasi nagpapatakid pa kayo kahit kaloob looban na e hindi naman  pala ninyo kaya.  Magkakasakit ang mga bata dahil sa pawis at kung  matuyuan ang likod noon sakit pa at kwarta naman ng doktor.

Consumer:  Kaya lalong nagmahal ang Electric Bill dahil sa VAT na iyan, 20% discount kaming mga Senior ah.

Lito:  Ano bang hayop ang sumisimbolo kapag sinabing Oriental Mindoro?

Consuelo:  E di ORMECO, mga hayop sila, ayusin ninyo kasi ang serbisyo ninyo… mga hayop hayop kayo, magaling lamang kayo kapag maniningil.  Bwisit!

t-shirt

IN THE T-SHIRT ganito ang nakasulat…….

            Dahil sa walang patid na trending ang HUGOT at ang mga saya at lungkot na dulot ng PAG IBIG sa buhay ng tao, sa mga magsing irog…lihim ka naman talagang mapapangiti sa mga nakakatawang dala nito kapag binasa ay…..relate na relate!

“Sanay naman talaga akong mag isa …..kaso nakilala kita…”:-)

“Mabuti pang mag isa kung makakasama lang kita…” 😦

“Bawal ang BITTER, Smile…” 🙂

“Kung ako si Superman, ililipad kita para tayo lang dalawa…” 🙂

“Ikaw na lang ang kulang para maging TAYO…” 🙂

“Kaya may DIRECTION dahil sa INSPIRATION…” 🙂

“Saan mo gustong tumira…sa Luzon na may baha, sa Visayas na may lindol, sa Mindanao na may gera o sa PUSO kong payapa at ikaw lang ang nakatira…” 🙂

“Sa PAG IBIG imposibleng walang AHAS…” 😦

“Sa dinami dami ng BOOKS sa buong mundo, isa lang ang hindi ko maintindihan ang itiniBOOK ng puso ko para sayo…” 🙂

“Airport ka ba?  Kasi Airportante ka sa akin eh…” 🙂

“Customer:  Pabili nga pong Electric Fan..

Tindera:  Ano pong klase?

Customer:  Iyong hindi lumilingon sa iba….”

           Natunghayan ninyo ang maikling pagpapahayag ng mga saloobin na karaniwang nangyayari sa simpleng lugar dito sa amin.  Ganyan ang salamin ng katotohanang bumabalot ngayon sa mga napapanahong isyu sa bansa.  Natatawa at napapaisip sa mga katwiran ng mga tao.  This is quite funny really!  Noong tinanong din kasi sa akin kung anong HAYOP ang sumisimbolo sa province, ang una ko kaagad naisip ay Tamaraw…magiging instant comedian ka kapag nasaksihan ang mga ganyang usapan.

Ito kasi ang sitwasyon na habang nagsisimula akong mag promote ng province ay saka naman may ganitong mga pangyayari na hindi inaasahan.  Lalo na sa usaping turismo paano naman magiging kapani paniwala what I am promoting kung ibang iba naman ang totoong nangyayari lalo pa’t ang ORMECO ang pinakamatinding naging sakit noong mga nakaraang buwan.  Sa ngayon nalimitahan  naman ang pagpatay sindi na parang Christmas Lights sa Christmas Tree….at sa ngayon nasa mas magandang lugar na nakapwesto ang Barge at kung may ingay mang naririnig, iyon ay malayo na sa mga residente.

Napakahirap kayang mag pretend na okay lamang ang lahat kahit hindi.  Inis na inis ako sa ORMECO dahil sa tuklap na wiring ng mga appliances kaya iyong mga unexpected expenses…at ang refrigerator ang generator ng pinsan ko, grabeng pinsala ang mga pinaggagawa ng mga iyon, wala man lamang silang ginawang notice…panawagan nagmistula kaming mga tao sa posporo.  Ang bigas na tunay namang ikinaangal ng mamimili.  Totoong maraming nagmura sa Presidente, natatawa ako noong sinabing ang TANGA daw ng bumoto e syempre kami dito binoto namin,  Hindi nila nakikita iyong magagandang gawa ng Presidente.  Masyado silang nag highlight sa mga negatibong resulta.  Alin iyang si Former Noynoy na halos naghiganti din lamang naman, mga pansariling interes kaya mga ATAT maging Pinuno ng bansa.  Tama naman iyong Pari doon sa Healing Eucharist na TV noong Sunday Mass sa ABS CBN….para sa darating na election, suriing mabuti ang mga sariling intention bago mag file ng candidacy kung ano ba ang tunay na motibo, ang tunay na bukas sa paglilingkod o may pansariling AGENDA.

Napanood din ako sa Healing Galing ng Channel 5.  Kung may three years na Probinsiyano ang Dos ang Singko naman ay ang kaabang abang na Healing Galing na tunay namang malaking tulong pinansiyal para sa ayaw ng Operasyon.  I love watching it mga simpleng gulay na may magandang dulot sa katawan at nakapagbibigay ng mataas na Bitamina sa tao…and take note they are also three years in Five.

Sana napaganda ko ang araw ninyo….kung anumang bigat ang pinagdadaanan sa ngayon, kahit paano ay naibsan ng mga nakakatawang linyang ganire na kahit sa kabila ng sakit at lupit na kasawiang dala ng PAG IBIG….nakakaya pa rin ninyong NGUMITI at nagsasabing KAYANG KAYA basta’t kasama ka 🙂

*****

          September 25, 2018 – The 10th year Death Anniversary of my Lolo Tonying.  My great grandfather who mold me no left over RICE from the plate…lalo na at ngayon sobrang mahal na ng BIGAS, said ang gawing pagkain ng kanin sa mesa mula sa plato dahil grasya iyon…huwag itapon ang grasya.  Ipinakita sa amin na wag mag iwan kahit nga mumo sa plato.

🙂 🙂 🙂

2018j

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.