The Power of My Pen

IMG_20181015_111506[1]

Yeah everything start with my pen right after thinking what to write then do the blog…

The subject to be tackled isn’t that easy to do.  The draft is part of the final preparation.  I don’t think any to begin what I am supposed to type from the moment I am in front of the monitor to copy from the scratch paper what topics are necessary to input about the wonders of nature.

To see the ocean is relaxing.  The tranquility it gives to a person and stress free to ease the feeling of boredom.  But let me share these…how to become good parents in the eyes of their children…and vice versa, how to become good children in the eyes of their parents…

Blessed are those children who experienced love from their parents because they would return what their parents have done to them more than what is expected.

Mapalad ang mga anak na nakaranas ng tunay na pagmamahal buhat sa magulang kasi nanaisin ng mga anak na ibalik ang lahat ng mga ginawa ng mga ito na may sukli pa.

Blessed are those parents who feel the unceasing love from their children because they would fill what is lacking in life that parents could not afford to give.

Mapalad naman ang mga magulang na nakadama ng tunay na pagmamahal buhat sa mga anak dahil sa lahat ng pagkakataon ang mga anak ang magpupuno ng lahat ng pagkukulang na hindi kayang ibigay ng mga iyon.

Blessed are those children who have best education that their parents provide them to prepare the good future but less fortunate are those children who could never give a chance to bring in the school institution.  If there are children who strive hard to uplift themselves, blessed are those parents for the determination of their children to pursue and dream more.

Mapalad ang mga anak na pinag aral ng mga magulang para magkaroon ng magandang kinabukasan pero sawimpalad ang mga anak na hindi man lamang naitaguyod ng mga magulang.  Kung may mga anak na nagsumikap para paunlarin ang sarili, magiging mapalad pa din ang mga magulang dahil sa magandang mithiin ng mga anak.

In parenting as long as you are trying to become good parents, see to it that you can give the best for your children.  The parents are responsible to mold the good attitude of their children but how they can nurture those things if they don’t know how to become good one…paano mo naman matuturuan ang isang bata ng kagandahang asal kung alam mo sa sarili mong wala ka namang kakayanang ibahagi ang magandang iyon para sa anak mo.

Talaga nga palang may mga insensitive na mga tao sa mundo at kahit pakiramdam mo pagod na pagod ka na pero wala lamang iyon sa iba…totoo nga palang hindi ka mamamatay sa hirap at pagod dahil sa sama ng loob ang titira sa iyo para sa matinding emotional stress sanhi ng mga pinaggagawa ng ibang tao sa iyo.  So mamili ka mamatamisin mo bang mag isa ka na lang o mas pipiliing may kasama ka na puro hinanakit at sama ng loob ang malalasap mo…

Ang buhay magkakaroon lamang ng thrill iyan kung sa tingin mo ay challenging ang mga nagawa mo na pero hindi nakaya ng iba.  May mga bagay na hindi na nga dapat ipaalam pa sa iba dahil nahahadlangan ito…minsan hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan pang ipagpaalam pa ang mga plano para tuluyang maisakatuparan iyon…kung hindi pumayag ang mga taong mahal mo sa buhay…hindi masamang umalis ng walang paalam para ano pa at may freewill tayo; parang ako noon…dahil nga separated ang parents ko…nasa sa Puerto Princesa City ang tatay ko at kahit hindi ako noon payagang umalis, natuto akong tumakas at bisitahin ang aking ama.  May mga desisyon na mas nanaisin mo pang sarilinin na lang dahil nga sa kasiguraduhang magaganap iyon sa abot ng iyong kakayanang panindigan ang mga bagay na sa tingin ng iba ay hindi mo kayang gawin iyon.

So as to say in parenting…how can you become good parents if you don’t know the simple sentiments of the kids.  The parents are ought to know first and foremost the little things about them for the parents to understand what they have been through.  Be thankful that children make the parents the best friend because they are not hesitant to confide everything from unhappy to the satisfying moods they have. Be thankful if they never keep secrets because they are not reluctant to face the circumstances for sharing the facts of saddest moments they have sometimes.

Akala din ng mga magulang napakadaling maging isang mabuting anak kahit sabihin pa nilang maging masunurin lamang ay sapat na.  Ang kaakibat ng bawat pagiging masunurin ng mga anak ay ang pagkakait sa sarili ng tunay na sayang nararamdaman…bakit sa palagay mo kahit sumunod ka sa kanila magiging masaya ka…you are giving them things that make them satisfy but in yourself…try to think and come back to me if you can tell me what is real behind your sentiments…

May mga magulang na mataas din ang expectations sa anak.  Ang laging sinasabi don’t expect kasi masasaktan ka lang kapag nag fail kang matupad ang mga expectations na inuungot mo.  Know the limitations and capabilities of children…dapat kasi pinag aaralan din ng mga magulang kung ano ang kahinaan at kalakasan ng kanilang anak…hindi iyong isusuong nila iyon sa bagay na hindi naman kaya ng bata.  Don’t push them to do things that they cannot do.  Pakukunin mo ng course na gusto nila kung nakita mo ng sasabit ang grade niyan…e anong inaasahan mo kung pasusunudin mo iyan …bigyan mo ng kalayaang pumili at iyong naaayon sa kalooban o kagustuhan nila.  Maging observant din kasi ang mga magulang, kung malakas ka sa pakiramdaman, madali mong malalaman ang gusto ng iyong anak dahil dama mo iyon…dahil laman at dugo mo iyon unless nga lamang kung nasalisihan ang asawa mo ha ha ha

Ang tagumpay hindi iyan binabase sa laki ng kinikitang naibibigay ng mga anak sa magulang…Hindi ganoon ang tamang batayan ng tagumpay… ito rin ay hindi nagsisimula at nagtatapos lamang sa isang magdamagang pakikipagbuno o pakikipagsapalaran.  Ang pinakaimportante sa lahat ay kung masaya ka sa ginagawa mo…doon mo pa lamang masasabing nakamit mo na ang tagumpay.

Mahirap maging magulang kung tila may sarili kayong gobyerno sa pamamahay ninyo.  Kung mas matindi pa sa higpit noong panahon ng Martial ang pinuno na namumuno sa inyo…naku daig pa ang diktador… pero kung hahayaan at gagabayan mo lamang sila sa tamang landasin ang pagtahak nila…ikaw na ang pinakamabuting magulang na nakilala ko.  The guidance to let them walk to the right path of life…hindi masamang madapa at masugatan dahil iyon pa nga ang nagsisilbing sandata para maging strong pero iyong hahayaang mabuhay at mabulid sila sa kapahamakan…to push them to live with the messy life, tolerating what is unpleasant to the eyes of God…para kang nasa kumunoy at tuluyan ang pagbulusok pailalim hanggang sa ikamatay na iyon…

Natatawa ako habang ginagawa ito…lahat na yata ng emosyon ay nailabas ko na sa akdang ito.  Pakiramdam ko napakalaya kong alamin ang mga nangyayari sa loob at labas ng tahanan at sasabihin pa ng mga magulang natin…tatanda din kayo mauunawaan ninyo kung anong pinagdadaanan namin…tapos kapag kami namatay, iiyak iyak din kayo.  Ganito na iyong nakasanayan nating marinig sa ating mga matatanda lalo na iyong lolo at lola ko noong nabubuhay pa.  Laging ang pakiramdam nila wala silang ginawang mali dahil nasa ating mga anak daw ang pagkukulang…sobrang diktador ang lola ko palibhasa nga’y nabuhay sa pamamalakad ni Marcos ha ha ha…o hayan napamanahan na kayo ng ideolohiya ng Marcos ninyo…

Ang tanging isasagot lamang noon e kesa sa Komunista ni Joma Sison…anong mahihita mo, lahat ng pangarap mo sisirain lang ng mga rebeldeng iyan.  Iyang si Ninoy Aquino iyan ang secret supporter niyan. 

Well tatapusin ko na po ang Power of my Pen sa ganitong pagtatapos dahil kung babalikan ang panahon noon, traumatic ang hatid noon sa buhay ng bawat isa..in the life of an individual…ayoko din ng Komunista pero kung ang Federalism ang nakatadhana upang magkaroon ng tuluyang pagbabago na magpapaganda at magpapaunlad sa Pilipinas…then go go go fight for it!

🙂 🙂 🙂

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.