MY OPEN LETTER 3

Dear Mr. President Duterte:

I know how much busy you are to solve the problem of the Philippines, ayoko na po sanang dumagdag pa pero ang nakakalungkot pong isipin ay ang talamak na pag scam sa Oriental Mindoro ng Call Center Agent na tinatawag nila sa pangalang Rachel ng Smart Company.  Hindi ko din po alam kung bakit ang mga workers ay binabalewala ang aming mga reklamo.  Wala pong maglakas loob kahit ang mga taong nakakasakop dito.

Personal na din po akong nag email kay Mr. Manny Pangilinan.  Katunayan thru Google na research ko din ang pwedeng maging contact ko and fortunately nakapag submit ako sa email niya sa PLDT ng sulat pero hanggang ngayon ay wala pa ding action.  Gumawa din ako ng Police Report at ang sabi ng Pulis na naka assign dito kung talagang may effort para gumawa ng way ang mga workers doon ay madali nang magagawan ng paraan dahil sa Manila ang gagawing imbestigation.  As far as I know we have modern devices to use tracing the scammer lalo na sa panahon ngayon.

Matagal ko pong pinag isipan kung itutuloy kong dumulog sa inyo at sa tulong ng blog ko para maipaabot ang hinaing na ito.  In fact this is my third open letter attempt…ini address ko na po sa inyo dahil sa palagay ko naman ay nagawa ko ang lahat ng aking makakaya at ngayong wala pa ding nangyayaring agarang action, kayo na po ang bahala para sa aming mga nabiktima na.  Please Mr. President Duterte help us hindi naman po madaling kumita ng pera para lang tangayin ng Rachel na iyon.  Pwede naman pong magkaroon ng imbestigation inside the company at kung mag focus lang sila kaya naman talagang mahuli ang dapat managot para sa aming mga biktima.

Sinasabi po nilang mag ingat kami, at noong nalaman ko na mismong taga loob ng Smart Company at isa sa mga Agents doon bakit ganoon si Mr. Manny Pangilinan, bakit hindi man lang siya gumawa ng paraan na linisin ang loob ng company niya.

Kung maganda ang management ng Pangilinan na iyan, hindi magiging ganid ang Rachel na iyan at kung sino mang kasabwatan niyan para tuluyang magpatuloy na mambiktima pa.  Magpapalamig at muling lulusob na naman sa masamang gawain ang halang na Agent na iyon.  Please naman Mr. Prod kayo lang po ang may kakayanang magdulog ng problemang ito mismo kay Mr. Pangilinan.  Tulungan ninyo po kaming maibalik ang perang natangay ng Rachel na iyan.

Ganito po kasi ang sistema sa pagtawag sa hotline nila.  Hindi lahat nagpapakilala at naturally they can simply introduce their nicknames…and after po mag call hindi lahat ay kayang makipag cooperate sa survey…doon po binabase ang performance nila para sa salary appraisal.  Kung may personal na galit din sila sa mga caller like me…bakit kami nadadamay.  Why they never directly air their sentiments to Mr. Pangilinan…at bakit itong si Mr. Pangilinan hindi rin magbigay ng tamang benepisyo para alagaan ang mga matitinong employees niya…he pushes them to do that scam because of not giving the proper way of what the employees deserve to have.

Nakakalungkot naman pong isipin kung magpapatuloy ang ganitong kabulukan, I already traced the voice of that Rachel but they never believe me…ako ang nakatuklas na nasa loob mismo ng company nila then why not doing the counterpart of the thorough investigation to know where exactly the problem is….

Umaasa po akong magkakaroon ng magandang solution ang bagay na ito Sir Pres Duterte.  Please parang awa na ninyo….ikaw lang po talaga ang makakapag bigay ng kalutasan sa ganitong suliraning aming kinakaharap sa kasalukuyan.

Kung natatandaan ang ORMECO and this is also private company  na may kasong umakyat na din sa Supreme Court pero hindi na din lingid sa aming kaalaman kung anong nangyari na pero ang nakakatuwang isipin maayos na po ang daloy dito ng kuryente for the restoration of NAPOCOR at least they work hand in hand now to utilize in a proper way.

Sana ito rin pong Smart Company na ito ay may gawin ding paraan para maibalik ang mga pera namin.  Kung bakit kasi ang mga employees ng Smart mga nakatikom ang bibig pagdating sa ganitong usapin kaya kami hindi masisisi na mag isip din na may inside job na nangyayari…hati hati ba sila sa bawat perang nakukuha ng leader na si Rachel.  Naiinis silang mag entertain ng call pagdating sa ganitong issues.  Kung tutulong talaga sila sa aming mga maliliit na mamumuhunan, intact po ang lahat ng documents as their requirements para sa reklamo na dapat ipasa sa kanila.  Alam po ng PayMaya ang bagay na ito kahit sabihing ibang department sila, iisa pa din ang owner at walang iba kundi si Mr. Manny Pangilinan.  Sana naman Mr. CEO makaabot ang panawagan kong ito sampo ng mga stockholders ng company….sana makipag cooperate naman kayo para ma-solve ang case na ito please……

Sa pagkakataong ito, walang ng ibang kikilos kaya pinangahasan ko na ding gawin na isulat sa blog ko.  Kung saan makaabot ang mga nasabi ko dito sana matulungan ninyo kami.

Lubos na gumagalang,

ORMIN Citizen

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.