The second countdown begins…

6 days na lang at election na…Naririnig ko sa ibang botante, nakakatamad na raw bumoto kasi siraan ng siraan e pare parehas lang namang may tagong baho sa katawan.  Lahat naman sila corrupt tapos gustong ibangon ang mga sarili na sila ang mas karapat dapat.

Nakakalungkot naman ang katotohanang babasahing nangalat dahil sa mga burak na pagkataong hindi akalaing malalantad na.  Ganito din noon nang nanalo si Pangulong Duterte na ibinoto ng 16 milyong tao, nasa gitna din ako ng nag uumpugang bato kung sino ang dapat manalo between Mar Roxas and Rodrigo Duterte.  Napakahirap ang estado na tinitimbang timbang ang mga pangyayaring dapat ipaalam sa tao.  Of course the first menace in the society during those times was the illegal drugs but now although not totally removed at least we feel secured and protected dahil ipinadama ni Pangulong Duterte ang kanyang plataporma sa kasulok sulukan ng Pilipinas like the illegal gambling na ngayon ay wala na sa aming barangay.  Wala ng makikitang babae at lalaking nakatanghod para sa bingohan at tong its at kapag natalo na wala ng pambili ng pangunahing kailangan ng isang pamilya at ang importante ay ang bigas at pang ulam para sa mga anak na kung hindi sana natalo sa sugal ay may makakain na.   Isa iyan sa nakakahangang katotohanan na nasaksihan ko.

Why confusion hit me to the peak is when I have seen those pictures of candidates in the streets.  Ang highlight kasi sa akin ay ang two opponents Leachon vs Morillo.  Dito ako nagsimulang maguluhan at tama lang pala talaga akong maguluhan dahil nasa otso diretso si Morillo at Umali…so how can I make abrupt decision…they need to convince me thoroughly for that…of course I want the zero vote for LP then all of a sudden  PetMalu and RU are entering in Duterte’s group….kahit naman kayo ang nasa sitwasyon ko, you will feel like innocent for this…though being an innocent is beautiful.

Ang naisip ko na lang…Petmalu is wearing the color lavender so meaning as Solo or the changed plan to be with the present administration is to stick in her own color (from Otso Diretso) to LAVENDER….and our beautiful Mayor Bubut supports Morillo…those confusion that turns to clarification in her logical mindset ha ha ha!  To be honest our Mayor has an influential diversion too!

Well….no problem if we say Reynaldo Umali because the progressive town of the second district is apparently noticeable…wala na tayong masasabi sa kaunlarang taglay ngayon ng bayan na iyon since he governed the town and in his platform, whatever progress he brought there will be seen also in the first district…well if we try to glance Bonz Dolor as his opponent, there are many shameful truth about Dolor’s mother like if there’s no one truck of bamboos, as teacher you cannot be promoted because as the Superintendent here she controlled everything…see those darkness in them too….lahat sila may bahid na korapsyon din kahit sabihin pang sa bawat piso daw ng ORMECO consumers may piso si Umali….those black propaganda…ang daming issues na talagang nalantad ngayong panahon ng election.  May record at kaso din si Alfonzo at RGV na ngayon ay kandidato na naman…how sad those aspirants….talagang kapalan na din ng mukha para sa mga sariling kapakanan.

Noon kapag kumandidato ka at nanalo, maghihirap ka ngayon kapag nahalal ang isang kandidato yayaman ka.

Yesterday was my birthday pero bago ako nag birthday I went to the City…ang tema ng usapan doon ay election pa din.  After the five oh oh naging one oh oh oh na…solid sa Second District si Umali at sure na panalo na doon, in the first district ito na iyong kailangang suyod marino ang way ng campaign dahil balwarte ng mga Dolor raw ang City….

Nag motorcade yesterday ang maka Petmalu…almost wearing pure lavender… the identity of this woman candidate.

Sa huli sana magkaroon tayo ng mapayapang halalan pero I want to share usapang halalan sa bahay before I never yet read about Doy Leachon 🙂

Please walang pikonan at hindi umabot sa matinding awayan.

Ganito ang naging way ng pinag usapan about election.  This is real story.

SETTING     : at the house

Mother:  Petmalu na ang iboto mo.

Ako:  No way Leachon ako…I want Leachon I almost watched him in CNN e kahit nga iyang Umali na iyan kayang kayang ilampaso kapag englisan na sa Kongreso, it is observed the fluency in speaking the language and lawyer na lawyer…only few is good conversationalist, magbaon ka na ng maraming legal terms for you to understand laws…

Mother:  Hindi ka na nahiya ang mga coordinator ang tumutulong sa atin kapag nagkakaproblema tayo sa gabi at nababato ang bubong ng bahay tatawag ka sa konsehal…agarang aksyon kaagad, utang  na loob at kamag anakan natin si Ben Del Rosario (he donates the portion of lot for Senior Citizen in the Barangay)

Ako:  Tungkulin nilang mag secure ng kaligtasan natin kaya nga sila nakaupo ngayon.

Ate:  Hindi lahat may kakayanang gampanan iyon kahit mga konsehal, sila mag Petmalu ka na.

Ako:  Ayoko nga minsan ko na lang ma enjoy ang right kong bumoto mamanipulahin ninyo pa.  Palibhasa dinaan kayo sa tambak na buhangin e nabili na kaagad kayo…iyong kalidad ng pagkatao ninyo natimbang na.  E sabihin ninyong hindi ninyo ako anak, ganito lang iyon, ewan kung sino iyang naga blog na iyan….ha ha ha!

Mother:  Galing kay Atid Roy (Vice Mayor) ang buhangin at hindi kay

Petmalu…inaanak ako ni Ninang Loleng (mother ni Vice Mayor)  dahil senior na ako.

Ako:  Kompromiso ninyo iyan at huwag ninyo akong isama ha ha ha!

Ate:  Hindi ka na nahiya.

Ako:  Kayo ang mahiya dahil sa buhangin  na galing sa kanila natimbang na ang kalidad nga pagkatao ninyo e ako boboto ako dahil iyon ang gusto ko

ha ha ha!

Ganito ang naging sitwasyon ko sa nag uumpugang bato ng mga kandidato….Napakasuwail ko nga bang anak dahil hindi nila kayang mapasunod ako sa gusto nilang mangyari….

Ganyan ang naging bangayan namin dahil sa election ha at last night about Doy Leachon issue…well marami pang pwedeng mangyari….narinig ko na din kasi ang drug issue about Leachon’s brother who brought drugs in the area.  Matatandaang may drogang nakalusot sa City kamakailan lang na hindi na din matunton kung sino nga ang may connection doon….somewhere along in the City.

Gabayan tayo ng prayer iyon ang best weapon …

Kahit paano sana naging eye opener din ang way ng conversation namin… totoong may lantaran sa vote buying…for the first time in my life na may ganitong issue ng pagboto before kasi walang pwersahan from my mother and sister….kaya siguro on my part nagkaroon ng confusion.  Nagbigay din sila ng mga buhangin na iyan not yet campaign period but if being used in choosing candidates, honestly sobrang hirap tumimbang…to weigh them all is the toughest side!

The point is….kung sino talaga ang nalalapitan iyon ang iboto e ang pagmumukha ba ng Leachon na iyan nakikita natin samantalang sina Mayora at Umali sumadya at nagpa meeting…inaalam ang tunay na kalagayan ng barangay na nakakasakop…kaya hindi pa tapos ang pagkaliskis sa kanila.

election

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.