PANGARAP ANG TUNTUNGAN

star

Maaaring ang pangarap ang magiging tuntungan upang makamit ito.

Maaari din namang dahil sa pangarap nagkaroon ng bagong pagkatao upang magpatuloy sa buhay.

Pwede din namang may mga taong nagbigay ng inspirasyon at patuloy na magsikap upang makamit ang hangad na tagumpay.

Tayo ay may kanya kanyang dahilan upang magkaroon ng katuparan ang ating mga mithiin sa buhay kung alinman sa nabanggit o wala man sa nabanggit, nasa ating mga tao na lamang ang kapasiyahan kung paano bubuuin ang pangarap na iyon.

Sa ilang dekada na bang nasaksihan ko din ang buhay dito sa lupa, masasabi kong ang naging tuntungan ko sa bawat pangarap na naisin ko ay ang kagustuhan kong maabot ang mga gusto kong magkaroon mapa material na bagay o simpleng kasiyahan lamang.  Masarap subukan lalo na kung anong bago, mahilig tayong mag eksperimento sa mga hamon sa atin.  Hangad nating lagi na sumubok kahit sa pakiramdam natin ay mahirap at suntok sa buwan ika nga…

Maaaring ang naging tuntungan ko ay ang pagkakaroon ng bagay na naging uso sa ating ginagalawang kapaligiran.  Gusto nating makamit ang mga bagay na wala pa tayo kaya nagsisikap tayong magkaroon pa.  Gusto nating ipakita na kaya din nating pantayan kung ano ang mayroon sila….kung hindi man sa mabilisang paraan ay ang pagkakaroon ng tiyaga na hintayin ang tamang panahon upang magkaroon din tayo.  Hindi naman sinasabing kainggit inggit ang ibang tao, pero kung nagsisikap din na magkaroon at may pag asa, patuloy lamang tayong nakatuon kung anong naisin natin.  Ibigay ng buo ang puso’t diwa upang patuloy na sikaping magkaroon kahit hindi ang higitan pa pero kung kakayanin naman, hindi naman siguro masamang maghangad pa sa kung anong mayroon na.  Isipin na lamang natin ang isang langgam na panay din ang hakot ng mga pagkain upang kapag dumating ang tag ulan at hindi na magagawang mag impok pa, may kasiguraduhan na para sa kinabukasan.  Dapat maging ganoon din tayo sa paraan ng mga langgam pagdating sa usaping pag iimpok.  Gusto nating paghandaan ang tag ulan.  Hindi naman laging maganda ang panahon at patuloy ang pag ikot nang mundo sa paraang gusto lagi natin dahil minsan kabalintunaan ang kokontra.

Sa bawat pangrap, dapat huwag tayong lamunin ng takot na sumubok pa.  Huwag tayong maging duwag upang magpatuloy sa kung ano pang nais nating mangyari pa.  Patuloy ang buhay, katulad ng pag agos ng tubig sa batis…. sa ilog…sa bukal o talon o kahit saan pa man.

Kung sa ating pagmamasid ay nakitaan natin ang sarili na may mababago pa, hindi masamang hangadin nating makamit anoman iyon.  Sa gagawing paglalakbay, maging mapagmasid sa ating mga pakpak.  Kung unti unting nagiging kasing taas na iyon ng lipad ng mga manok, alam natin kung saang lebel na ang taas ng lipad.  Ngunit kung kasing taas ng saranggola iyon o ang mga lipad ng ibon sa himpapawid, na tila ba may nakakaliyong pakiramdam, dapat unti unti tayong umagwat sa mataas na paglipad…baka hindi natin namamalayan na sa paghahangad pa, unti unti tayong dinadala ng hangin paibaba at ang pagdausdos niyon na mistulang nadungong harapin ang tunay na kasasadlakan…dapat huwag nating kalimutan ang komontrol o magmanipula sa ating sariling mga pakpak.

Ang pangarap kasi nandiyan lamang iyan sa isang sulok ng ating isipan.  Isaisip natin ang kahandaan ng ating mga sarili upang gawin ng tama at balangkasin kung anuman iyon.  Binigyan tayo ng isip at inilagay iyon sa itaas kapantay ng ating ulo upang iyon ang magpasyang sundin bago ang kagustuhan ng puso.  Kung mananaig ang isipan sa magandang kapasyahan, mas mainam na timbangin ang kagustuhan ng puso at ipaabot sa kung anong sinasabi ng isip.  Tila ba tayo ay nahulog sa isang malagim na palaisipan na may katuturan.  At sa pagdungaw ay ang nagbabadyang bangin ang kababagsakan pero ang kaakibat naman ay ang tamang pagpili sa bangin ba o sa isang malagim na pangarap na lamang?

Nasa atin pa din kung ano ang ating  pipiliin.  Hinayaan tayong mamili at panindigan ang ating kapasyahan dahil binigyan tayo ng iba’t ibang paraan ng pagpapasya sa mga bagay na halos isubo na lang sa atin.

It is how to digest what they feed us.  It is how to chew what they want for us to believe in life.  It is not necessarily the way how they give unusual opportunities; it’s rather how we face the situation of life.  The more we become mature, the more we face bigger problems but the lesser opportunities we have, the more possibilities to be grasped.

If dreams are the gateway to enter the world I am creating, if dreams are actually my world to make me believe that the world is round, I could say….I am the most fortunate human being to grab all the chances.

It is the chance to grin or to smile.

The chance to chuckle or laugh

The chance to meet and greet

The chance to say hi and hello

It is time to follow your STAR!

2019j 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.